Home | Inside Congress | Congress News | Villar: It was a fight well fought

Villar: It was a fight well fought

Font size: Decrease font Enlarge font

Mga Kababayan,

villar_concession._811119952.jpgNagpasya na ang mamamayang Pilipino. Malinaw na sa kabila ng ating pagpupunyagi, hindi tayo nabiyayaan ng tagumpay sa halalan noong Lunes.

Humaharap ako sa inyo ngayon upang tanggapin ang pasyang ito. Upang igalang ang boses ng sambayanang Pilipino.

I congratulate Senator Noynoy Aquino on his victory. The challenges he and our country faces are enormous and we should all work together.

Subali’t gusto ko  lang sabihin na lubos akong nalulungkot sa mga kasinungalingan at paninira sa aking  pagkatao sa kampanyang ito. Ako ay naniniwala na sa  darating na mga  araw ako ay  mabibigyan ng pagkakataon na linisin ang aking pangalan upang maliwanagan ang ating mga kababayan. Yan ay mahalaga sa akin higit sa anupamang bagay.

Hinding hindi ko makakalimutan ang kampanyang ito at ang pagkakataong makadaupang palad at  makasama ang  milyon milyon nating kababayan na katulad ko ay nanggaling sa hirap at nangarap ng mas magandang buhay. For the rest of my life, I will remain their champion. Bagama’t ako ay hindi pinalad, ang aking pangarap na tapusin ang kahirapan ay hindi pa nagwawakas.  Ito ay aking ipagpapatuloy bagama’t sa ibang paraan.

To all my fellow Nacionalista candidates whose fights have not yet concluded, rest assured that I and the Nacionalista Party will be  behind you until your last vote is counted.

Nais kong pasalamatan unang una ang Panginoon sa patnubay na ibinigay niya sa atin upang maging ligtas ang ating pangangampanya nitong nakaraang tatlong buwan.

Salamat sa aking pamilya: ang mga mahal ko sa buhay na malaki ang naging sakripisyo.

Higit sa lahat,  ang aking buong pusong pasasalamat sa mga volunteers at supporters na nagsipag at nagbigay ng hindi matatawarang tulong. Maraming maraming salamat sa inyo.

Maraming salamat sa inyong lahat.

Disclaimer: The views and opinions advanced in this article is the author’s own, and may not necessarily represent the views and opinions of THE LOBBYiST, its editors, or its publishers.

Factual Errors? Email us at editorial@thelobbyist.biz.

Copyright 2007 The LOBBYiST. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed without the expressed permission of The LOBBYiST.

Comments (0 posted):

Post your comment comment

Please enter the code you see in the image:

  • email Email to a friend
  • print Print version
  • Plain text Plain text
No tags for this article
0
User posted content, unless source quoted, is licensed under a Creative Common Public Domain License.