Breaking the Convention Part II: Ang Baho ng mga Hirit Niyo!

Sosmiyo! Oktubre pa lang pero napakarami na namang mga mukha ang naglilipana sa mga poster, streamer at kahit sa telebisyon na hindi naman mga mukhang endorser ng anumang produkto o artista. Sino kaya sila? Sino pa ba kundi ang ating mga butihing pulitiko na walang humpay na naman ang pambabalandra ng kanilang mga mukha sa kung saan-saan.

Pangalawa ito sa siyam na serye ng mga artikulong mumulat sa mga Kabataan pagdating sa ginagawa ng kanilang mga nakakatanda sa lipunan. Hindi ito pangkaraniwang artikulo, ngunit isa itong paraan para makipagusap sa mga kabataan sa natural na pamamaraan. Nawa’y kapulutan ng aral ang artikulo at maging simula ng pagnanais ng mga kabataan na maging iba sa kanilang kinagisnan.

Sosmiyo! Oktubre pa lang pero napakarami na namang mga mukha ang naglilipana sa mga poster, streamer at kahit sa telebisyon na hindi naman mga mukhang endorser ng anumang produkto o artista. Sino kaya sila? Sino pa ba kundi ang ating mga butihing pulitiko na walang humpay na naman ang pambabalandra ng kanilang mga mukha sa kung saan-saan.

Akala mo ba’y may mga mahahalagang sasabihin o paalala sa mga tao, pero sa totoo lang, mga pilit sa hinog na mga adbokasiya ang kanilang ibinibida na pahiwatig ng kanilang mga binabalak sa darating na eleksyon.

Hanep-buhay naman talaga oh! Yung mga taong ito na hindi mo naman karaniwang nakikita sa mga ordinaryong araw, pilit na pumapasok sa eksena at nagpapabango ng kanilang mga pangalan. Pero sa totoo lang, ang babaho ng mga hirit nila!

Sabi ni Juana Change, ang eepal nitong mga pulitikong ‘to. Hindi lang po sila epal, ang babaho pa po ng kanilang mga sinasabi. Bakit mga ginang at ginoo, may gusto bang makarinig o makakita ng mga nakakairitang pagbati niyong may mga naglalakihan niyo pang mga mukha? Bakit mga ginang at ginoo, ganun na lang po ba kami katanga na hindi namin alam ang mga balak niyo sa pagcocommercial niyo ng paulit-ulit?

Mabuti pa ang pick-up lines ng mga komedyante, nakakatawa. Ang mga pick-up lines niyo pong mga pulitiko, nakakairita dahil paulit-ulit na lang.

Mabuti pa ang mga artista, pag nakikita namin sa telebisyon, masasabi naming ang ganda o ang guwapo. Ang mga mukha niyo naman pong mga pulitiko, pag nakita naming sa telebisyon, nakakairita dahil bukod sa hindi po kayo kagwapuhan at kagandahan, kung anu-ano na namang pambobola at pangako ang bibitawan ninyo. Pero ang malala dito, kapag gumamit na kayo ng artista para sa mga pulitikal niyong ambisyon, mas lalo pa kaming naduduwal dahil tila ba akala niyo madadaan niyo ang mga botante sa pagandahan at paggwapuhan lang.

Hindi namin alam kung saan niyo kinukuha ang mga pinang-aadvertise niyo pero kapag pinapalabas niyo na donated ito ng friends ni kesyo ganito, ang baho pa rin ng hirit na ‘to.

Mabuti na sana kung ang mga pinapaalala ninyo ay tungkol sa pag-iingat sa sakuna, at kung ano pang public service announcement. Ang kaso, pilit na pilit talaga ninyong ipinapasok ang gusto niyong ipasok sa mga commercial at pagbibida ninyo sa kung saan-saan. Ang malala dito, kulang na lang pati kaarawan ng aso ng kapitbahay niyo ay gagawan niyo pa ng tarpaulin na may malaking mukha ninyo.

Hindi mithiin ng artikulong ito na mang-alipusta ng partikular na tao pero nais naming ipaalala sa mga nangangandidato na itaas natin ang lebel ng diskurso dito sa pulitika ng ating bansa. Maluma at mabaho na ang mga estilong pinapakita niyo sa amin.

Sana naman po, huwag niyong insultuhin ang utak ng mga Pilipino dahil unti-unti na ding namumulat ang karamihan sa sistemang bulok na ito.

Pag-usapan niyo ang mga isyu, magpahayag kayo ng mga perspektibo hinggil sa mga napapanahong paksa at huwag niyo kaming hiritan ng mga mababahong linya niyong lalo lang naming ikawawalan ng gana sa pulitika sa bansa.

Kung ayaw niyong masabihan ng linyang “Ang Baho ng mga Hirit Niyo!”, ayusin niyo na lang ang pagseserbisyo niyo at tiyak, mas malakas ang epekto nito sa botante at hindi niyo na kailangang magbayad ng pagkalaki-laki para lang mapansin ng inyong mga kababayan.

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS
About the Author
Mr. Aaron Benedict De Leon is currently a Business Development Practitioner in a private consulting firm. He has more than six years of professional experience in leading and managing political and non-government organizations, specializing in organizational management, policy development and program management. He has had stints with notable political/socio-civic organizations, serving in various capacities as: Secretary-General of the Centrist Democratic Party of the Philippines (CDP) [2013-2015], Founding Chairperson of the Centrist Democratic Youth Association of the Philippines (CDYAP) [2012-2014], Philippine Representative to the International Young Democrat Union (IYDU) [2011-2012], Chairperson of the Christian Democratic Youth [2011-2012], Secretary-General of YOUTH Philippines [2010-2011], and Spokesperson/Communications Director of the GT2010 Gilbert Teodoro Presidential Campaign [2009-2010].
Other Articles