Breaking the Convention Part V: LRT- Bawal ba ang Kalmado dito?

Panglima ito sa siyam na serye ng mga artikulong mumulat sa mga Kabataan pagdating sa ginagawa ng kanilang mga nakakatanda sa lipunan. Hindi ito pangkaraniwang artikulo, ngunit isa itong paraan para makipagusap sa mga kabataan sa natural na pamamaraan. Nawa’y kapulutan ng aral ang artikulo at maging simula ng pagnanais ng mga kabataan na maging iba sa kanilang kinagisnan.

Panglima ito sa siyam na serye ng mga artikulong mumulat sa mga Kabataan pagdating sa ginagawa ng kanilang mga nakakatanda sa lipunan. Hindi ito pangkaraniwang artikulo, ngunit isa itong paraan para makipagusap sa mga kabataan sa natural na pamamaraan. Nawa’y kapulutan ng aral ang artikulo at maging simula ng pagnanais ng mga kabataan na maging iba sa kanilang kinagisnan.

Naging mainit na usapan sa Social Media at sa mga tumpukan ang nangyaring pambabastos ng isang mag-aaral sa isang babaeng security guard sa LRT Station 2. Diumano’y pinagsabihan ng mga masasakit na salita ng babaeng mag-aaral ang security guard nang sitahin ito sa pagpasok sa maling entrada.

Sa iba’y naging bagong usapan na naman ito, nang paulit-ulit na sabihin ng babae sa security guard na “Amalayer” (I’m a liar). Naging paksa ng batikos at kritisismo ang ginawang pag-asta ng babaeng mag-aaral.

Para sa isang katulad ko na sumasakay araw-araw sa LRT, hindi na ito bago sa aking mata o sa aking tenga. Halos araw-araw bago sumakay, panay init ng ulo, bulyawan, tulakan at minsa’y nauuwi pa sa sapakan ang drama ng iba dahil sa labis na pagmamadali papunta sa kanilang mga destinasyon.

Hindi na ito nakakagulat para sa isang araw-araw na mananakay ng LRT, pero nakakagulat na tila maraming pumapatol sa kagaspangan ng ugali ng iba dahil sa pagmamadali. Tuloy, nagiging karaniwang eksena na ang pag-aaway at pagtatalo para lamang sa mumunting espasyo sa loob ng tren.

Minsan na akong hinamon ng sapakan ng isang mama nang maitulak ko daw siya nang masiksik ako sa isang sulok malapit sa pintuan ng tren. Hindi ko pinairal ang init ng ulo at pinabayaan ko na lamang magdaldal ang mama habang lumipas ang kanyang sama ng loob. Sa maka-ilang ulit, nagpigil ako ng emosyon at ng galit dahil ayaw kong pagsisihan ang gagawin kong makasakit ng iba dahil lamang sa mababaw na dahilan.

Ang LRT ay tila eksena kung saan ang iba’t ibang klase ng tao ay makikita, pero tila isang masamang bagay ang karaniwan ngayon sa lahat ng mananakay nito- ang pagiging magaspang sa iba kapag nagigipit. Tila bagang parang nagiging “survival of the fittest” na ang nangyayari, na wala nang pakialam sa mga babae, matatanda at bata ang ibang mga mananakay sa kagustuhan lamang na makasakay na sa tren.

Ang mga pangyayaring tulad ng nangyari noong nakalipas na araw ay salamin ng lumalalang pag-uugali ng ibang tao sa kanilang kapwa. Tila nakakalimutan na ng iba ang respeto sa ibang tao para lamang maiangat ang sarili. Tila baga wala nang katuturan ang napag-aaralan dahil mas nananaig ang init ng ulo at “ego” sa mga sitwasyong pakiramdam ng isa’y naaapakan ang kanyang pagkatao.

Sa totoo lang po, huwag na tayong magpakalayo-layo pa sa pagpuna sa mga katulad ni Ms. Amalayer. Nagkataon lang na nakuhanan ng video ang kanyang ginawa. Pero kung mag-aala Big Brother ang mga video sa LRT sa lahat ng sulok, malamang sa malamang ay hindi mauubusan ng mga ganoong eksenang makukunan, lalong-lalo na sa tiyempong “rush hour.”

Sana po, lamig ng ulo ang pairalin sa bawat pagsakay natin sa LRT o kahit ano pang pampublikong transportasyon. Sana din marunong din tayong gumalang sa iba at hindi natin kailangang mang-insulto para maipahiwatig ang ating gustong sabihin.

Hindi dapat pinapawi ng pagmamadali at pagoda ang magagandang pag-uugali na tatak nating mga Pilipino.

At paalala sa mga taong nakakalimot, wala namang nakalagay na signage sa LRT na “BAWAL ANG KALMADO DITO!”

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS
About the Author
Mr. Aaron Benedict De Leon is currently a Business Development Practitioner in a private consulting firm. He has more than six years of professional experience in leading and managing political and non-government organizations, specializing in organizational management, policy development and program management. He has had stints with notable political/socio-civic organizations, serving in various capacities as: Secretary-General of the Centrist Democratic Party of the Philippines (CDP) [2013-2015], Founding Chairperson of the Centrist Democratic Youth Association of the Philippines (CDYAP) [2012-2014], Philippine Representative to the International Young Democrat Union (IYDU) [2011-2012], Chairperson of the Christian Democratic Youth [2011-2012], Secretary-General of YOUTH Philippines [2010-2011], and Spokesperson/Communications Director of the GT2010 Gilbert Teodoro Presidential Campaign [2009-2010].
Other Articles