Breaking the Convention Part VIII: Bakit ang daling pumatay sa panahon ngayon?

Ang sabi sa isang pag-aaral ni Dr. Lonnie Athens, isang criminologist na nagkaroon na ng malawak na pag-aaral sa sitwasyon ng mga bayolenteng mga kriminal, nagiging kriminal ang isnag tao dahil sa isang punto o bahagi ng buhay nito’y siya’y naabuso o napagsamantalahan. Sa kalaunan, nawawala na nang “empathy” ang mga ito o nang kakayahang ilagay ang sarili sa lugar o posisyon ng ibang tao.

Pangwalo ito sa siyam na serye ng mga artikulong mumulat sa mga Kabataan pagdating sa ginagawa ng kanilang mga nakakatanda sa lipunan. Hindi ito pangkaraniwang artikulo, ngunit isa itong paraan para makipagusap sa mga kabataan sa natural na pamamaraan. Nawa’y kapulutan ng aral ang artikulo at maging simula ng pagnanais ng mga kabataan na maging iba sa kanilang kinagisnan.

Hindi ba kayo nagtataka sa serye ng mga panloloob at walang habas na pagpatay na ating napapanood sa telebisyon o napapakinggan sa radio? Mula sa mga motibong ng pagnanakaw hanggang sa pagkakatinginan ng masama, tila ba nakapadali na lamang para sa iba ang pagkitil ng buhay ng iba. Ito’y hindi lamang batay sa sariling obserbasyon, kundi marahil pati na rin sa nakararaming tila takot nang lumabas o biyumahe sa disoras ng gabi.

Ang tanong para sa iba’y, “Bakit nga ba ang daling pumatay para sa iba?”

Ang sabi sa isang pag-aaral ni Dr. Lonnie Athens, isang criminologist na nagkaroon na ng malawak na pag-aaral sa sitwasyon ng mga bayolenteng mga kriminal, nagiging kriminal ang isnag tao dahil sa isang punto o bahagi ng buhay nito’y siya’y naabuso o napagsamantalahan. Sa kalaunan, nawawala na nang “empathy” ang mga ito o nang kakayahang ilagay ang sarili sa lugar o posisyon ng ibang tao.

Bukod ito sa tila maliwanag pa sa sikat ng araw na dahilan ng pagpatay sa mga inosente- ang pangangailangang mabuhay. Para isang “drug-dependent”, kinakailangan niyang magnakaw o pumatay para matustusan ang pangangailangan para sa drugs. Para sa isang amang nasa ospital ang anak, kinakailangan niyang magnakaw at pumatay para may pambayad sa anak na maysakit. Para sa isang asawang nambubugbog at pumapatay ng asawa, kinakailangan niyang nakawan at kung minsa’y mapatay ang asawa para may mapang-inom ito o di naman kaya’y mapangsugal. Ang obserbasyong ito’y hindi na kailangan pa ng malawak na pag-aaral. Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng nakararami.

Huwag na rin tayong magtaka kung papatay sila kahit pera lamang ang kanilang kailangan. Hindi sila maaaring mahuli, dahil gagawin nila ito ng paulit-ulit dahil ito lamang, sa kanilang pananaw, ang kanilang kayang gawin upang mabuhay.

Tila hindi na ito bago sa ating mga pandinig.

Pero ang kagulat-gulat sa mga panahong ito’y ang walang habas na pagpatay ng iba dahil sa kababawan- dahil nagkatinginan ng masama, away sa pag-ibig at kumbaga sa salitang kanto, napagtripan lang. Hindi ko binibigyang hustisya ang mga dahilang nabanggit nang karaniwan, subalit tila ba sa panahon ngayo’y parang laruan na lamang ang buhay na napakadaling sirain kung ayaw na ng gumagamit dito.

Aminin na natin ang katotohanan- wala nang tinatawag na “values” ang ating lipunan. Ang pagtuturo sa mga paarala’t simbahan tungkol sa kagandahang asal ay tila para bang hindi na alintana ng mga mag-aaral, dahil hindi naman nila kinakikitaan ng magandang halimbawa ang mga tao’t institusyon na nagtuturo ng mga ito.

Hindi na rin kayang higitan kadalasan ng impluwensiya ng pamilya ang higit na impluwensiyang dulot sa mga bata ng “mass media.”

Wala tayong sisisihing iba kundi ang ating mga sarili kung bakit may mga kriminal, kung bakit sa mga walang kakuwenta-kuwentang kadahilanan ay pumapatay ang mga tao.

Madali ng pumatay sa mga panahon ngayon dahil hinahayaan ng lipunang mangyari ito, hindi man direktahan o tahasan.

Ngunit hindi ako naniniwalang hindi ito masosolusyunan. Kailangan lamang ng tinatawag na “humility” ang mga institusyong nangangalaga sa pag-aasal ng bawat tahanan- ang pamilya, ang komunidad, ang simbahan at gobyerno.

Hangga’t hindi nila nauunawaan ang kanilang pagkukulang kasabay ang ating pagtanggap sa ating mga sariling kagagawa’t kasalanan, huwag nating aasahang mababawasan ang mga kriminal sa ating lipunan.

Ang moralismo ay hindi lamang dapat isang bagay na pinag-uusapan, kundi ito’y dapat isinasabuhay. Madalas ito’y itinuturo ngunit hindi naman naisasabuhay.

Sa moralismo magsisimula ang solusyon para sa mga problema ng ating lipunan sa kriminalidad, dahil kung may moralidad ang isang tao, hindi niya maaatim o maiisip man lang na pumatay ng kanyang kapwa.

Kung may matibay na moralismo lamang ang ating lipunan, mahirap ang pumatay o kahit man lang magsamantala ng ibang tao.

Ngayon, alam na siguro natin kung bakit madaling pumatay sa panahon natin ngayon.

BLOG COMMENTS POWERED BY DISQUS
About the Author
Mr. Aaron Benedict De Leon is currently a Business Development Practitioner in a private consulting firm. He has more than six years of professional experience in leading and managing political and non-government organizations, specializing in organizational management, policy development and program management. He has had stints with notable political/socio-civic organizations, serving in various capacities as: Secretary-General of the Centrist Democratic Party of the Philippines (CDP) [2013-2015], Founding Chairperson of the Centrist Democratic Youth Association of the Philippines (CDYAP) [2012-2014], Philippine Representative to the International Young Democrat Union (IYDU) [2011-2012], Chairperson of the Christian Democratic Youth [2011-2012], Secretary-General of YOUTH Philippines [2010-2011], and Spokesperson/Communications Director of the GT2010 Gilbert Teodoro Presidential Campaign [2009-2010].
Other Articles