Inspired by the 1960s science fiction classic TV series Star Trek that popularized the notion of "warp drive technology" -the theoretically fastest speed that an intergalactic traveler could go, this E-zine column tackles the various aspects of Philippine reality in a constantly changing world -a world replete with hope, but scarred by a lot of aberrations. And aberations here are predisposed to refer to products of the human mind.
Tiyak na sa kalakhan, magtatalumpati sa wikang Filipino ang ating kagalang-galang na pangulo. Ito ang isang ikinalulugod ko sa kanya sapagkat sa ating sariling wika mas marami ang higit na makauunawa sa kanyang mga bibigkasin. Subalit hindi lamang wika ang nagpapalabo sa mensahe ng isang talumpati. Hindi lamang wika ang tila nagpapalabo sa mga usaping pampatakaran sa bayan nating mahal. Pati na mga tayutay. Gaya ng “Tuwid na Daan.”
Ang tayutay o dalumat na ginagamit upang ilarawan ang hangad para sa pamumuno sa bayang ito sa ngayon ay “Tuwid na Daan.” But that is just what it is, a mere figure of speech — or concept — thus far.
Ang nakababahala, tila walang bagong direksyon na tinatahak ang tuwid na daan, gaya ng napuna ni Dr. Rene Ofreneo, Direktor ng samahang NEPA (National Economic Protectionism Association), sa kanyang pagsusuri sa Medium Term Development Plan ng Pamahalaang Aquino.
Aquinomics ang bansag ng NEPA sa stratehiyang pang-ekonomiya na nilalatag ni Pangulo. Bagong bansag sa isang lumang pamamaraan. Wika (sa Inggles ang orihinal) ng Direktor ng NEPA, “Walang naiiba, lahat ng planong pangkaunlaran mula 1972 ay nagtampok ng tunguhing pang-eksport at may diin sa paggamit ng lakas paggawa, at sapat na ang apatnapung taon ng pagkakamali.” Ayon kay Dr. Ofreneo, lubhang nakaasa sa mga direktang puhunan ng mga banyaga ang istratehiyang pag-unlad na ito.
Sabihin na nating tama ang NEPA (at kahit mali pa nga) sa pagsasabing pare-pareho lamang ang mga naging pangkalahatang planong pang-ekonomiya ng ating bansa mula noong panahon ng Martial Law, saan nga ba tayo dinala ng mga planong ito? Gaano katunay ang “40-taong pagkakamali” na sinasabi ng NEPA?
Narito ang ilang datos na makatutulong sa paglalarawan ng isang matingkad na sagot. Narito ang ilang datos hinggil sa hindi maipagkakailang state of the nation nitong huling limampung taon:

Higit na malinaw ang ibig sabihin ng mga bilang na ito kung ikukumpara natin sa mga natamo sa ibang bansa at lalo na kung gagawa tayo ng isang graph batay sa mga istatistikang galing mismo sa World Bank (World Bank Development Indicators; makikita rin sa mas buhay na paglalahad gamit ang Gapminder, sa www.gapminder.org, isang gamit pang-istatistika na makikita sa Internet). Sa graph sa ibaba, makikita ang Gross Domestic Product per capita mula 1960 hangang 2008 ng Pilipinas, Malaysia at South Korea:

Ano ang mga kapansin-pansin dito mga kababayan ko?
Una sa lahat, matuwid nga pala ang rekord ng Pilipinas! Siguro ang dapat na islogan natin nitong huling kalahating siglo ay “Pilipinas, Steady Lang!”
Tatlong beses na mas malaki ang lawak ng lupain ng South Korea kumpara sa Pilipinas, samantalang halos magkasing-lawak lamang ang lupang teritoryo ng Pilipinas at Malaysia.
Ang saklap hindi po ba? Iyan. Malinaw na malinaw na wala ngang “pinagbago” sa ating bayang sawi. Sumasang-ayon sa NEPA ang mga datos at hindi tumutugma sa mga pagmamalaki ng ilang mga pulitiko at mga teknokrata sa NEDA.
Bakit naiwanan tayo sa kaunlaran ng ibang bansa? Saan tayo nagkakaiba? Sa dami ng tao sa loob ng ilang taon at sa uri ng pamumuno? Sino nga ba ang mga namuno sa atin sa kalahating siglong ‘yan?
Mula kay Pangulong Corazon C. Aquino, Pangulong Fidel V. Ramos, Pangulong Joseph Ejercito Estrada, Gloria Arroyo, hanggang sa kasalukuyan, dalawampu’t apat (24) na SONA na ang naipahayag. Bawat isa, may pagmamalaki sa ilang mga nabago daw.
Papansinin ko na rin, sino ang nagsasabi ngayong pinakamahusay si Pangulong Marcos at matalino naman si Arroyo? Kay Marcos ang dalawampung taon diyan at kay Arroyo ang siyam! Nasaan ang nabago nila? Noong dekada otsenta, may pagdausdos pa nga kay Marcos. Kay Gloria, dumami ang gutom at tumindi ang hindi pagkakapantay-pantay kumpara sa ibang bansa, ayon na mismo sa ADB. Mahusay! Sa pandarambong? At matalino! Umiwas sa kaso?
P’Noy, magbaliktanaw po tayo. Mukhang hindi sasapat ang tuwid na daan. Halos iisa lamang ang hilatsa ng ating mga naging pambansang plano para sa kaunlaran gaya ng inyong nilalatag. May panahon pa para ayusin ang ginawa ng inyong Ina at tapusin ang sinimulan ng inyong Ama.
Hindi sapat ang “Steady lang!”
Federalism, Government Debt, Civil Society and the Private SectorPutting high emphasis on one form of government tend to blind people into glorifying one form over another, hoping that such change in political structure will deliver the necessary development ... Read more Less Government | Nonoy Oplas | Sunday, 20 May 2012 | Hits: 45 | Comments |
Avengers AssembleAs our movie houses are conquered by “The Avengers” and as that pelenovela (political-economic telenovela) unfolds in the Senate, some other matters with long-term implications are transpiring in the halls ... Read more Warp 9! | Louie Montemar | Friday, 18 May 2012 | Hits: 41 | Comments |
Fixing the President’s Image for the General Welfare: An Open Letter to the Presidential CThe past week, we heard confirmation from the President himself that he and Ms. Grace Lee, a TV and radio personality have gone separate ways – claiming that they are ... Read more Trend Blazer | Aaron Benedict De Leon | Friday, 18 May 2012 | Hits: 43 | Comments |
A Tale of Two Fights: The Thrilla in NAIA and Game 7 of the PBA FinalsSunday, May 6 was quite an eventful day for many. It was a day of fights and competition, where the victors were supposed to stand tall and the ... Read more Trend Blazer | Aaron Benedict De Leon | Friday, 11 May 2012 | Hits: 153 | Comments |